Philippines Flag -->

Martes, Enero 15, 2013

Huwarang Juan, sumisikat sa ibang bansa!™

Sino ba ang mga huwarang Pinoy na sumikat na kilala mo? Yung mga nagsisilbing magandang moderno/modelo sa mga kabataang Pinoy?

Maaari kang maging magandang halimbawa para sa mga kabataan. Kilalanin mo lamang ang mga ilang huwarang Noypi at sundin ang yapak nila!

Si Efren 'Kuya Ef' Peñaflorida ay isang kakaibang titser. Nagtuturo siya gamit ang isang kariton (kariton klassrum) para sa mga batang Pinoy na hindi nakakapag-aral sa Cavite. Dala ang kariton na may lamang iba't-ibang gamit sa paaralan, nilibot niya ang nasabing lugar upang maisulong lamang ang edukasyon ng kabataang Pinoy. Pinangaralan siya bilang '2009 CNN HEROES' dahil sa kanyang pag-susumikap.

Si Allan 'apl.de.ap' Pineda ay isang Fil-Am na rapper na miyembro ng Grammy Award Winning na grupong 'Black Eyed Peas', siya'y tumutulong sa mahihirap na kabataan.

Si Lea Salonga ay isang sikat na mang-aawit, naging 'Kim' sa Les Miserables, kung saan nanalo ng Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics at Theatre World Awards, Naging Jasmine ng Aladdin, at Fa Mulan sa Mulan at Mulan II.

Si Manny ''Pacman'' Pacquiao ay isang propesyonal na boksingero na nagkait ng 10 titulo. Isa rin siyang pulitika.

Si Corazon ''Cory'' C. Aquino ay ang lider ng panunumbalik ng demokrasya sa pamamagitan ng ''People Power" sa Pilipinas. Kaya bilang paggalang, tinawag siyang ''Tita Cory'' 

Marami pang ibang Huwarang Pilipino sa bansa. Hindi lang itong lima ang mga kabilang dito.

Kaya 'wag nang magdalawang isip na sundan ang yapak ng mga ''Huwarang Juan'' tungo sa magandang kinabukasan ng bansa.

Opinyon mo, i-komento mo!

                                                                             -Danielle, VII-Star, BHNHS




Lunes, Enero 14, 2013

Wika ni Juan, lumevel-up' na nga ba?™

Maraming pagbabago sa (tawag sa) wika natin habang lumilipas ang panahon. Simula sa Tagalog, hanggang Pilipino hanggang sa Filipino.

Pero habang nagiging moderno na ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon, pati ang wika natin, 'di mag-papatalo! Mula sa Filipino hanggang sa 'Jejemon'; Uso sa text. 'Yan yung tipo ng salita o text format na 'di ko maintindihan yung iba. Halimbawa, narito ang isang 'convo' ko sa isang 'di ko naman close na bakla.

Siya: ..,,3oW PhO3zZ..,,, MuXTaa NaH TeIoU..,,? PiiYmOus caH NuH BvaaH..,,?
Ako: 'Di kita maintindihan, dre. Pde paki-ayos ng Text Format? ;)
Siya: ..,,WaPaKeLs..,,! >:))

Naintindihan ko yan nung pina-translate ko kay kuya Leon, (Ate Leah sa gabi!) yung DI namin nung Grade 6.

Pero sa totoo lang, nadidismaya ako sa mga Jejemon. Sang-ayon ako sa tinweet ni @KalokaTweets sa Twitter na, 'Ang mga JEJEMON, hindi basta-basta nauubos. Pero kaming mga maaayos ang text format, konting-konti nalang!' Natawa ako sa tweet na yan, nakarelate kasi ako.

Dalawa lang naman yung dahilan kung bakit ayaw ko ng mga Jejemon. Una, yung mga suot nila, ambabaduy! Parang bumalik ng 80s-90s yung kasuotan tapos yung salita pang 2000s! Kaloka teeeh!

Pangalawa, malamang yung paraan ng pakikipagcommunicate gamit ang social media sites at cellphone. Akalain mo, kapag naka-receive ka ng text o message galing sa Jejemon, para lang maintindihan mo, halos tititigan mo yun ng 100 na taon! O kaya naman kapag sumuko ka na, lalabas ka pa tapos hahanap ng mga kumekembot na kalalakihan jan sa tabi-tabi! Time consuming nga. Kaloka talaga! 

Pero sa maniwala kayo't sa hindi, yung Jejemon, ay napiling 'salita ng taon' noong 2010! Nakakaloka pero totoo!




Isa pa sa mga modernong paraan ng pagsasalita na kumabog sa jejemon ay yung  'gaylingo' o yung 'bekimon'. Yung mga salita ng mga tagilid na lalaki? Yung mga salitang halos lahat may 'ey'? 

Heto ang maikling diksyunaryo (yung mga ibig-sabihin para sa 'kin)  para maintindihan mo yung mga tinatalak ng mga binabae!

chaka - panget; waley - wala, panget, corny?; havey - kabaligtaran ng 'waley'; itech/itey - ito; mudra/pudra - nanay, tatay; sinetch - sino; baklush/beki - bakla; echos/charot/echosera - ekpresyon; keribells - kaya, okay lang; gora - alis na, tara na; fez - mukha

Ito nama'y galing sa ' http://badingtionaryphoenix.blogspot.com/ ' 

workibells - trabaho; kalurkey - kaloka o baliw; anekwaboom - ano; deadmatologist - snob; hipon/hiponessa - magandang katawan pero waley yung fez...

Marami pang iba! Basta bisitahin niyo tong blogspot na 'to, nakakatuwa!

http://badingtionaryphoenix.blogspot.com/

Natutuwa ako sa mga beki kasi parang may sariling accent yung salita nila, kumbaga parang slang? Naalala ko tuloy dati, may nag-uusap na bading na nagtitinda ng isaw sa plaza namin, talagang konkretong bekimon yung salita, ang taray! 'Di ko talagang mapigilang tumawa kaya pinag-tinginan ako nung dalawang bading tapos sabay sabi, 'KALOKA, BA-LEE-WUG KU TEH?' Hahaha! kung kayo lang talaga sa posisyon ko, matatawa kayo sa accent nila!




O, sa tingin niyo, huma-havey na ba yung wika natin? O dala lang 'to ng pagiging 'creative' ni JUAN?

Opinyon mo, i-komento mo!

                                                                                             -Danielle, VII - Star, BHNHS

Linggo, Enero 13, 2013

Lipunan ng gobyerno ni Juan, 'bulok' na nga ba?™

Kanina sa paaralan, pinag-aralan namin ang likhang awitin ni Joey Ayala na 'Magkabilaan'. Naunawaan ko na ang kantang ginawa niya ay sumasaad sa bawat sitwasyon ng mga Pilipino sa Pilipinas, na sadyang hindi pantay-pantay ang tingin ng mga tao, na ang akala nila ay tama ang mga mali, na talagang minsan ay nasa ilalim tayo o nasa ibabaw. Talagang may dalawang mukha ang katotohanan.

Pero, ang mas nakaapekto o nakapagpa-isip sa akin ay ang katagang, 'Bulok na ang haligi ng ating lipunan.'

Bulok na nga ba? O may maaari pang mabago?

Alam kong sa post na ito, hindi niyo maipagmamalaki ang Pinas. Pero para mas maalarma tayo bilang mga Pinoy, aking napag-isipan na i-post ang opinyon ko.

Bakit kaya nasabing bulok na ito?

Malapit na ang eleksyon. Marami nanamang nakakalat na Teasers at Posters, mga t-shirt na may pangalan ng kandidato, mga goods na may print kung sino ang nag-donate at kung ano-ano pang mga ka-epalan ng mga kandidatong ito. May Anti-Epal Bill na nga, patuloy parin ang ka-epalan. Ang tanong ko, bakit kailangan pang mag-lagay ng pangalan sa mga ipinamimigay nila? Para sa 'kin, parang ang kalalabasan nito ay pawang hinihingi mo ang boto ng mga taong na-uuto mo o nabibigyan mo. At napapansin ko rin, tuwing malapit na yung eleksyon, tsaka lamang sila lumalabas sa telebisyon at sa publiko, nag-sasabi ng mga plataporma pero hindi naman pala alam o siguradong matutupad iyon, makuha lamang ang boto at loob ng mga tao.

Pero ang mas masakit, kapag naboto na at naupo na sa pagiging pinuno, ay magnanakaw lang ng pera ng gobyerno.

Masakit tanggapin, pero totoo. Bulok na nga ang lipunan.

Heto ang isang opinyon mula sa kapwa ko Star na si Ate Irene Paragas.

''Agree ako sa Anti-Epal bill kasi hindi naman na kailangan pang makita yung mukha o pangalan nila sa mga proyektong ginagawa nila. Trabaho nila yun as elected officials at ang alam ko kasi, yung perang ginagamit nila dun ay galing sa gobyerno partikular na ata sa mga buwis, hindi naman nila personal na pera yun kaya 'wag na sanang umepal yung mga mukha/pangalan nila sa kalsada.''

Lubos akong nagpapasalamat sa kanya sa opinyon niya! Muli, maraming salamat, ate! At umaasa siya na makatutulong ito sa mga kabataan!

Pero may paraan para mabago ito. Kung may mai-hahalal tayong pinuno na talagang responsable at minamahal ang trabaho. Nag-bibigay o nag-hahandog ng walang kapalit, sumasama sa mga medical mission at mga iba pang programa na may kinalaman sa kaligtasan o kalusugan ng kanyang mga mamamayan o nasasakupan.

Isa lang ang tanong... IPINANGANAK NA BA ANG GANITONG KLASENG PINUNO?

                                                                                      -Danielle, VII-Star, BHNHS


Martes, Enero 8, 2013

Pagkain ni Juan™

Naniniwala ka bang masarap at malinamnam ang mga pagkain natin? Ako, 100% Oo. Naging patunay ko rito ay ang sipi mula kay Matthew Sutherland na pinamagatang "A Matter of Taste" na nakalap ko mula sa pangalawang libro ni Bob Ong na "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?"

Heto ang buod: (Base sa pagkaka-unawa ko.)

Pinoy ka kung kumakain ka ng 'balut'. Kaya kung gusto mong maging Pinoy, kailangan mong ngumata ng 'balut' o "fertilized duck egg."

Ito ay itinitinda tuwing gabi sa mga kalsada kasama ng asin na nakalagay sa lumang dyaryo. Gabi ito ibinebenta upang hindi makita kung ano talaga ito. 

Sabi ng iba, ang pinakamasarap daw na parte ng 'balut' ay yung mga hindi fully-developed na balahibo, tuka at mga paa. Ito raw ay "crunchy."

Ang mga Pinoy ay mahilig talagang kumain. Kumakain sila ng walong beses sa isang araw. (agahan, snacks, pananghalian, merienda, pica-pica, pulutan, hapunan at walang-nakakitang-kinuha-ko-yung-biskwit-sa-rep-kaya-hindi-ito-bilang.

Para sa mga Pinoy, hindi hapag kainan ang hapag kainan kung walang kanin. Pero sa UK, sa maniwala ka't sa hindi, kahit isang taong walang kanin, kakayanin ko. Isa pa, Imposible ring uminom ng walang kinakain. Isang bote ng San Miguel ay kulang kung walang gambas o beef tapa.

At ang pinaka nagustuhan ko sa kultura ng pagkaing Pinoy ay yung yayayain kang kumain. Kahit sa opisina, kapag nakakita ka ng Pinoy na ready nang tsumibog sasabihin muna nila, "Sir kain tayo". Nalito ako dito noong una. Pero nalaman ko rin na hindi pala nila ine-expect na kainin ko talaga yung mga pagkain nila. Sadyang magalang lamang ang mga pinoy.

                                                                                                                        -Matthew Sutherland

Talagang masarap ang pagkaing pinoy. Biruin mo, kahit dayuhan ay sumasaludo sa kultura ng ating pagkain at sa kalinamnaman ng pinoy cuisine.

Oh sapat na ba ito upang mas lalo mong ipagmalaking PINOY ka?

                                                                                              -Danielle, mag-aaral ng VII-Star, BHNHS


Philippines Flag