Kanina sa paaralan, pinag-aralan namin ang likhang awitin ni Joey Ayala na 'Magkabilaan'. Naunawaan ko na ang kantang ginawa niya ay sumasaad sa bawat sitwasyon ng mga Pilipino sa Pilipinas, na sadyang hindi pantay-pantay ang tingin ng mga tao, na ang akala nila ay tama ang mga mali, na talagang minsan ay nasa ilalim tayo o nasa ibabaw. Talagang may dalawang mukha ang katotohanan.
Pero, ang mas nakaapekto o nakapagpa-isip sa akin ay ang katagang, 'Bulok na ang haligi ng ating lipunan.'
Bulok na nga ba? O may maaari pang mabago?
Alam kong sa post na ito, hindi niyo maipagmamalaki ang Pinas. Pero para mas maalarma tayo bilang mga Pinoy, aking napag-isipan na i-post ang opinyon ko.
Bakit kaya nasabing bulok na ito?
Malapit na ang eleksyon. Marami nanamang nakakalat na Teasers at Posters, mga t-shirt na may pangalan ng kandidato, mga goods na may print kung sino ang nag-donate at kung ano-ano pang mga ka-epalan ng mga kandidatong ito. May Anti-Epal Bill na nga, patuloy parin ang ka-epalan. Ang tanong ko, bakit kailangan pang mag-lagay ng pangalan sa mga ipinamimigay nila? Para sa 'kin, parang ang kalalabasan nito ay pawang hinihingi mo ang boto ng mga taong na-uuto mo o nabibigyan mo. At napapansin ko rin, tuwing malapit na yung eleksyon, tsaka lamang sila lumalabas sa telebisyon at sa publiko, nag-sasabi ng mga plataporma pero hindi naman pala alam o siguradong matutupad iyon, makuha lamang ang boto at loob ng mga tao.
Pero ang mas masakit, kapag naboto na at naupo na sa pagiging pinuno, ay magnanakaw lang ng pera ng gobyerno.
Masakit tanggapin, pero totoo. Bulok na nga ang lipunan.
Heto ang isang opinyon mula sa kapwa ko Star na si Ate Irene Paragas.
''Agree ako sa Anti-Epal bill kasi hindi naman na kailangan pang makita yung mukha o pangalan nila sa mga proyektong ginagawa nila. Trabaho nila yun as elected officials at ang alam ko kasi, yung perang ginagamit nila dun ay galing sa gobyerno partikular na ata sa mga buwis, hindi naman nila personal na pera yun kaya 'wag na sanang umepal yung mga mukha/pangalan nila sa kalsada.''
Lubos akong nagpapasalamat sa kanya sa opinyon niya! Muli, maraming salamat, ate! At umaasa siya na makatutulong ito sa mga kabataan!
Pero may paraan para mabago ito. Kung may mai-hahalal tayong pinuno na talagang responsable at minamahal ang trabaho. Nag-bibigay o nag-hahandog ng walang kapalit, sumasama sa mga medical mission at mga iba pang programa na may kinalaman sa kaligtasan o kalusugan ng kanyang mga mamamayan o nasasakupan.
Isa lang ang tanong... IPINANGANAK NA BA ANG GANITONG KLASENG PINUNO?
-Danielle, VII-Star, BHNHS
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento